Habang nakaupo'y aking tinititigan,
Bukangliwayway sa dakong silangan,
Buhay ko kaya'y matulad sa ganyan,
Kusang liliwanag at mundo'y magigisnan.
Sa paglipas ng araw, aking nakikita,
Na ang buhay pala'y puno ng dusa,
Kasiyaha'y sa ilan lang makikita,
Lalo't na't may ginto at salaping makakapa.
Ngunit sa isang tulad ko'y may karapatan bang madama,
Pag-ibig na sabi nila'y makapagbibigay ng saya,
Kung sa ngayo'y pusoy lumuluha,
Pagkat di man lang kayang ipagtanggol ang babaing minumutya.
Ang isang tulad koy dapat pa bang pumaroon,
Kung luha lamang at sakit ang syang matutunton,
Sa isip ko ngayoy laging may tanong,
Ano kaya ako sa dakong roon ng dapithapon..
©eabalagot
E