M

sa una lang

Sa una lang....
Sa una lang pala ang kiligan,
Pabago bago ang kaisipan.
Mga tanong sa aking sarili,
Kung bakit kita pinili.
Mga pagpapatawad ko sayo ay lubos,
Luha rin ang bubuhos.
Sa malamig na hangin ay mararamdaman,
Ang walang katulad na mainit na pagmamamahalan.
Bilangin man ng halik at yakap ang ating pagsasama,
Dulot din ay pagiging kalungkutan at masaya,
Mga bagay bagay na ating pinagarap na magkasabay,
Sa huli rin pala ang tunay na ngiti'y ang magpapatunay.
Lubos kong sasabihin sayo ito mahal,
Ikaw lang ang aking minahal.
Patawad sa aking ginawang kalungkutan,
Na sayo ay nagdulot ng matinding sariling kaisipan.
Mahal pagkakatandaan mo ito,
Ikaw ay minahal ko ng totoo.
Wag mo sana sirain ang pagtitiwala ko,
Na sayo nakasalalay ang puso at damdamin ko.