Kung iisipin lamang hindi pa huli ang lahat
Ngunit ang totoo ay tunay na mahirap
Madama man lamang pag-ibig na pangarap
Bagaman hindi ako ang tunay mong lingap.
Malayo na siya hindi na kayang abutin
Ngunit bakit ganun puso mo'y sya pa rin
Nasasaktan ako di mo man lang pansin
Sana isang araw maramdaman mo rin.
Habang nakikinig sa bawat siphayo mo
Nagdurugo naman itong aking puso
Nagtatanong sa hangin ayaw mo ba sa akin?
Hindi ba ako nararapat upang iyong mahalin?
Sa sandaling ito ang tanging magagawa ko
Sarilinin ang lungkot na nadarama ko
Sabihin man sayo tunay na damdamin ko
Di mo alintana pagkat di mo gusto.
Ang tanging dalangin ko para sa iyo
Sana matagpuan hanap ng puso mo
Maging masaya ka sa piling ng mahal mo
Nagkakape habang hawak nya kamay mo.
🦋🦋
©poysha
P