Ikaw ang naging sandalan
Sa mga oras na kailangan
Ikaw ang nandiyan
Para ako ay tulungan
Ikaw ang tangi kong sandalan
Tuwing ang sarili ko ay gusto nang sumuko
Ikaw na ang nagsilbing tahanan
At nag-iisang pahinga ko
Sa tuwing taglamig
Ikaw ang nariyan upang magsilbing unan
Ikaw na rin ang nagsilbing yakapan
At ikaw ang nagsilbing kumot sa aking katawan
Kapag ako ay nasa hindi inaasahang kalagayan
Ikaw ay nariyan upang ako'y protektahan
Ikaw ay nariyan at nakaantabay upang ako'y samahan
sa aking mga laban
Kaya ikaw na natatangi kong sandalan
huwag kang magtaka kung
isang araw ay hindi na kita kayang bitawan pa
At pakawalan
©hoebi
H