A

SIKLO NG BUHAY

dumadaan na naman ang bawat araw
sasapit ang dapit hapon
papalubog na naman ang haring araw
magdidilim ang kapaligiran
pupunta sa isang sulok
hawak ang laptop
sa tabi ng bintana
malapit sa bukana
malamig na hangin
paulit ulit na routine ng buhay
umiikot sa araw araw nakakaumay
sumusulat ng mga pangyayari
mga kaganapan na di mawari
isa,dalawa,tatlong minuto
naglalakad kasabay ang maraming tao
hindi pa rin nagbabago
iisang lugar iisang istilo
usok ng mabahong tambutso
nakakainis sa katawa'y malagkit
polusyon na kumakapit
at pumapasok sa sistema mo
papasok sa trabaho
uuwe sa pagsapit ng gabi
tulog na ang mga kasama mo
kakain pa lang dala ang malamig na menudo
patutugtugin ang musika sa kwarto
matutulog at pagod sa maghapong trabaho
magsisimula na naman bukas ang kalbaryo
paulit ulit na siklo
tanging inspirasyon na lang
ang makakapagpa bago
ang hirap kung pati sarili mo nais ng pagbabago
ang karanasan na hindi kaya ng buong kwento
isusulat ko nlang lahat sa pahina ng libro.
©atengchix