Wendy,
Ba't di mo kayang tanggapin
Ba't di mo kayang tanggapin na hindi kayo maaaring magkaroon ng ugnayan
Na ikaw ay para sa akin lamang
Na kahit anong gawin mong pagpapapansin ay di ka niya mapapansin
Na kahit anong taboy ang gawin mo sa akin ay di kita lulubayan dahil ito ang utos ng pana ni kupido sa akin
Ba't di mo kayang tanggapin
Ba't di mo kayang tanggapin na kahit alam nating sa silid ay walang matangkad o pandak ay di parin kayo pwede
Na ang iyong inaasam ay di maaari dahil ikaw ay isang diwatang napakaliit at napakarikit
Wendy,
Kung sakaling ang isip mo ay magbago at maisipang itigil na ang kabaliwan mo kay Peter at naghahanap ng pagmamahal na di niya naibigay
Tandaan mong andito lang ako
Andito lang ako
Pupunan ko ang mga pagkukulang niya
Gagawin ko ang lahat upang maging masaya ka
Sasamahan kita sa lahat ng iyong kabaliwan
Pipilitin kong imulat ang aking mga mata makausap ka lamang sa gitna ng dilim
Sasamahan kitang bilangin lahat ng bituing makikita mo sa langit
Iintindihin ko kung ikaw ay maraming ginagawa
Gagawin ko ang lahat
Titiisin ko ang bawat sakit
Hindi ako magsasawang magpapansin sa iyo
Hindi ako magsasawang iintindihin ang mga salita mong kung ano ano
Maghihintay ako
Kahit abutin ako ng ilang segundo,minuto,oras,araw,linggo,buwan o kahit taon pa man o dekada
Hinding hindi magbabago ang pag-ibig ko sa iyo
Ang tunay na nagmamahal sa iyo
Terrence
©batabatuta
B