Hindi ko na binilang ilang beses mo ko pinaiyak ng hindi mo alam
Hindi ko tiyak pero madalas naglalaro sa isipan ang mga tanong na kailangan ng kasagutan
Bakit parang hulog na ko pero ikaw ayaw mo pang tumalon?
Bakit hirap na hirap kang itawid yung hindi klaro patungo sa sigurado?
Bakit ayaw mo pang maging tayo?
Ipapaalala ko lang sayo, ikaw ang unang pumasok sa nanahimik kong mundo
pero sana bago ka pumasok sa buhay ko binuo mo muna yung sarili mo.
Iparamdam mo naman sakin na
handa ka na ulit magmahal ng lubos,
yung walang humpay na pagbuhos
yung totoo, yung todo
pagmamahal na walang takot
yung dating ikaw noon
bago ka masaktan
yung walang alinlangan kahit alang alang sa taong tulad ko
na unang beses pa lang susubok
unang beses susugal
unang beses pa lang magmamahal
wag mo naman sakin ipagkait
yung kapasidad mong magmahal
kahit ang sakit pero sige
tutulungan kita
bubuuin kita
aayusin kita
Pero pakiusap sabihin mo sakin hanggang kailan?
Baka di na ko *****agal at sa sobrang sakit bigla na lang akong bumitaw
-A l l y
©atengchix
A