J

Takot Sa Labis Na Pagibig

If there's one thing that I’m scared of, that is you leaving me— maiwan mag-isa kasama ng mga alaalang laging magpapaalala sa’yo at kung gaano tayo kasaya.
Isipin ko pa lang na pwede kang mawala, para na akong sinasaksak ng libo-libong patalim— nanunuot ang sakit na mas gugustuhin ko na lang ang mawala.
Alam mo namang mas mahal kita, ni hindi ko inisip ang kahit anong posibilidad na pwede tayong mawalay sa isa’t-isa dahil umaasa ako sa pangako mong ako at ako lang wala ng iba.
Kaya patuloy akong kakapit at magtitiwala sa’yo at sa mga binitawan mong salita— asahan mong lagi akong nandito upang samahan ka at ipadama ang pagmamahal na hindi mo kailanman mahahanap sa iba.



***You can visit my fb account for more by searching: Josh Tumbaga (Insan)
©joshtmbga