B

Tama na

Ang sabi ko wala na
Ang sabi ko ititigil ko na
Pero bakit ganito?
napakasakit ng dulot nito?
Pilit kong ipinipilit sa puso kong ipit na ipit na wag na ipilit dahil wala namang magandang dulot kundi sakit
Na kahit alam kong walang tayo at di magiging tayo,na kahit na pilitin ang sarili at ginagago wala paring silbi ito
At kahit papaan nakumbinsi ko at nagawa kong ibahin ang atensyong ibinibigay ko sayo
Minamahal,sana naman itigil mo na
Ang sakit sakit na
Sana naman wag na,wag mo nang akong pansinin dahil sakit ang dulot ng atensyo't presensya mo sa akin
Minamahal,sana naman makiramdam ka,na sana maramdaman mo kung gaano kasakit ng bawat ngiti mo
Sana malaman mo na parang kutsilyo ang matatamis mong salita na kahit di para sa akin ay nasasaktan ako at laging iniisip na sana AKO SANA
WHOOOO!
Tama na,tama na na minahal ka ng puso ko at hinyaan kitang durugin at sugat sugatan ito
Na minsan naging importante ka sa buhay ko pati ang mga ngiti mo
Minamahal,sana maisip mong limitasyon ang mga luha ko
Na wag mo na itong idamay dahil para sa akin ay importante ito.
Minamahal,sana mababasa mo itong hinaing ng munti kong puso upang malaman mong kahit papaano NASAKTAN MO NA AKO.
©batabatuta