Timeline
May mga bagay sa buhay na hindi agad nagaganap.
Mga pangarap na akala mo hindi na matutupad.
Sa positibong pagharap sa mga bagay na hindi nais maganap.
Maging matibay at lumaban sa pag asa ay yumakap.
Kung minsan ikaw ay natatanong, at nagtataka.
Kung bakit ang iba ay madaling nakakawala.
Sa mga hirap pagsubok bakit tila sa kanila balewala.
Sila ba ay napili o sa kanila ay likas na tadhana.
Madalas tuloy ikaw ay makumpara sa iba.
Bakit hanggang ngayun ikaw ay walang pang napapala.
Kahit anong kayod trabaho ay iba iba
Sa kinasasadlakan mo hindi parin makalaya.
Kaibigan, Kahit sino pa sayo ay magsalita. Maliitin hamakin o ikaw ay ipahiya.
Sabihin man sayo na hindi ka na makakabangon sa pagkadapa.
Tandaan na ang buhay pangyayari lahat pansamantala.
Tuloy lang sa paglaban sigeh lang sa pagsulong.
Tibayan ang loob kahit ano pang masalubong.
Ang mag tagumpay sa buhay ay hindi pilian.
Matutong maghintay habang ikaw ay lumalaban.
©kadena26
R