E

title: Manhid by EuanJether

"Mahal? Nilalamig ako, gusto ko ng mga yakap mo, nariyan ka ba?"
"Mahal? Pagod ako, pwede ba akong magpahinga sayo?"
"Mahal? Hirap na hirap na po ako sa sitwasyon na pinagdadaanan ko, Pwede mo ba akong komportahin?"
Yan, yan ang mga salitang naririnig ng aking puso, mula sa 'yong puso
Salitang nagbibigay sa sarili ng kontrol para lang samahan ka.
Mahal, mahal, mahal, nariyan ka ba?
Naririnig mo ba ako?
Naririnig mo ba ang mga tinig ng aking puso?, Ramdam mo ba ang pintig ng aking puso?
Mahal, oh aking mahal, pagkat ika'y manhid,
Ika'y hinahanap ng aking puso ngunit di ka nagpapakita
Pangalan mo'y sinisigaw ng aking puso, ngunit hindi mo naririnig.
Mahal mo ba talaga ako? O sadyang pinaglalaruan; aking puso?
Mahal, ano ba talaga ako sa iyo?
Mga tanong sa aking isipan na gustong gusto ko marinig ang mga kasagutan;
Mahal, pakinggan mo ang aking puso, pakiramdaman mo, pagkat ika'y sinisigaw nito
Mahal? Hindi ako isang bagay na kapag nasira mo ito ay pababayaan mo na
Hindi ako 'yong tipo na pag iniwan mo na ay wala ng mababalikan; iwan mo man ako nariyan pa rin ako, pero wag mo abusuhin, dahil kapag ako na ang napagod, wala ka nang makikitang ako, wala na 'yong dating ako na parating nakasuporta sa lahat ng bagay na gugustuhin mo.
Para naman ito sa mga taong manhid; matuto kayong makiramdam, kasi "once you hurts them hearts, the "KARMA" is always follows you" and that is it.
-EuanJether
©euanjether