R

Tiwala

Kahit ano mang bigat sa balikat pasanin, sa liwanag mo ay deretsong titingin.
Buong tiwalang aasang kasama ka kahit pa sa likod lingunin.
Batid ko ang pag ibig mo Panginoon walang duda dama ng damdamin.
Kaya kahit anong pagsubok aking salubungin buong tiwalang aking kakayanin.
Sino ako para magtaka at tanungin kung ano ang mga plano mo sa akin.
Panginoon sayoy magtitiwala tuloy sa paghayo habang nananalangin.
Iaangat mga kamay upang abutin Ang mga bituin.
Ama Alam Kung ako ay iyong diringgin.
©kadena26