Sa bawat araw na nag daan
serbisyo nyo'y walang kapantay
kahit na kayo'y nahihirapan
patuloy pa ring lumalaban
Sa mga nurses at doktor na syang nasa loob ng pagamutan
kahit na kayo'y nababahala sa inyong kalusugan
na baka kayo'y mahawaan
ngunit ito'y pinagsawalang bahala nyo lamang
dahil sa isipan nyo ay marami pang tao ang dapat tulunggan
Mga social workers na handang tumulong sa bayan
sa mga Military forces ng pamahalaan
at sa lahat ng kasapi ng pamahalaan
na syang iniinda lahat ng kapaguran
para bansa nati'y magkaroon ng kaayusan at kaligtasan.
Saludo ako sainyo mga kababayan
lubos ang aking pasasalamat sa inyong kadakilaan
kahit wala sa kondisyon ang inyong katawan
patuloy parin kayongnaninilbihan para sa bayan.
©bianx
B