M

trip lang

Nahulog ako sayo,
Pero ako ay hindi mo sinalo.
Pinaasa MO ang isang tulad ko,
Na sayo lamang nagseryoso.
Hindi ko ito pinansin,
Dahil ako ay masasaktan din.
Binigyan kita ng isang pagkakataon na magbago,
Pero sinayang MO.
Naglaro tayo ng taya tayaan,
Pero ako ang iyong iniwan.
Nagtiwala ako sayo,
Pero ako niloko MO.
Ikaw ay humihingi ng kapatawaran,
Pero hindi ko ibinigay ang pagpapatawad.
Dahil ayaw ko magbulagbulangan
Sa iyong ginagawang kalokohan.
Alam MO pagod na ako kakaintindi sayo,
Pero ika'y Mahal ko.
Ginawa ko ang makakaya ko,
Pero hindi ka na talaga nagbago.
Noong ika'y lumisan ,
At ako ang iyong iniwan.
Habang ikaw ay masaya,
At Ako naman ay umiiyak.
Sinabi mo sa akin ang totoo,
Na ako ay pinagtripan MO.
Umiyak ako sa iyong harapan,
At ako ay iyong pinagtatawanan.
Minahal kita ng buong buo,
Pero ako ay pinagtripan MO.
Maging masaya sana kayo,
Kahit masakit sa loob ko.