Z

Tuldok

Kahit itono ko pa ang himig ng hangin,
Ibalik ang oras sa dati,
Ang tibok ng ating mga puso'y
kailan ma'y hindi magtutugma.
Dukutin ko man ang mga bituin
Humiling sa 'san libong bulalakaw
Ang katagang ikaw at ako
ay hinding-hindi maiilathala.
Gustuhin ko man ipagpatuloy ang kwento
Ngunit tuyot na ang aking pluma,
Ubos na din ang iyong papel
Kaya 'eto na ang tuldok.
June 7, 2020
©zionlois