B

Untitled

Nagkangitian
Nagkatawan
Nagkaalaman
Nagkamabutihan
Nagkalabuan
Ni ngiti lumisan
Yan ang mga normal na nagaganap sa buhay pag-ibig ng halos na kabataan ngayon
Pero may isa akong naobserbahang kakaiba
Nagsimula sa Nag ngitian
Nagtawanan
Nagkamabutihan
Mag isang iniwan
Hanggang ngayon umaasang may sasagip sa kanya
sa unahan
Nakakalungkot isiping ako ang iniwan
Ako ang umasa,di naman ako pinaasa
Ako ang sumobra
Antanga ko kasi,akala ko tatagal
Akala lalalim,oo lumalim ang banda sa akin pano na
yung sa kanya?
Buti di ako nalunod,buti di ako nalunod sa karagatan
ng katangahan
Buti may nakita akong ibang pagkakapitan
Na kahi di niya ako binigyan ng lubid ay kumapit
parin ako sa kanya
Nagbabakasakaling gagawa sya
Gagawa sya ng lubid na pagkakapitan naming dalwa
Antang,ako lang pala ang nahulog mag-isa
Boba,pabibo kasi siya masyado
Yan tuloy ako'y tuliro
Gabi gabing nag iisip ba't ako bumigay agad sa bitag
ng landian
Bat ako bumigay agad,yan tuloy nasagad
Masyado akong namangha
Masyado akong namangha ginawa nyang bitag
Masyado akong namangha sa koneksyong ginawa
niya upang atenyon ko'y makuha
Gagawaran ko sya,malapit nang matapos ang
pasukan
Gagawaran ko sya ng "Gawad handog sa
pinakapaasang tao sa mundo"(ko)
Ansakit pala umasa ng todo
Yung tipong gabi gabi ka naghihintay ng mensaheng
galing sa kanya
Upang masagot ang mga tanong mo at masab mo sa
kanya ang mga salitang di mo nasabi dahil sa
kabobohan mo
Na sa bawat araw na ginawa ng May Kapal ang
presensya niya ang hinihintay mong talaga
Na sa bawat minuto dinadalangin mo na sana
kausapin ka niya kahit man lang sana ang lapis mo'y
hiramin niya
Pero wala,wala,hindi lahat yan mangyayari kasi nga
nilandi kalang niya
Baga sinubukan niya lang ang kalandian mo at nung
nagsawa sya ay iiwan ka rin niya sa ereng
mapolyusyon
Hanggang sa di ka na makahinga sa kakaisip kung
bakit sya tumigil sa pakikipag usap sayo
Hanggang mamatay ka sa kakaisip kung saan ka
nagkamali at iniwan ka niya sa ere na parang
eroplanong natraffic sa edsa
Antagal umusad
Pero heto ang tandaan mo
Gaano man katagal ang pag usad ng edsa,tandaan
mong umuusad talaga sya
©batabatuta