Noong una natutuwa kinikilig ako
Bawat pagbiro ng mga kasama ko
Kasi akala ko magiging totoo
Mga katagang sinasabi ninyo.
Hanggang sa lumipas bawat sandali
Nadagdagan pa ang mga kandili
Pagbibiro nila'y sinakyan pang muli
Hanggang sa magalit maubos ang pisi.
Ngunit ng sandaling tayo lang dalawa
Habang kumakain at nagmemeryenda
Maging sa pag-uwi kasa-kasama ka
Masayang binabagtas kahabaan ng edsa.
Kumain ka na ba ang lagi mong tanong
Sabayan pa mandin ng lambing na tugon
Magluto ka naman huwag puro canton
Kaya naman puso ko parang umaayon.
Hanggang sa dumating sa tipong eto na
Masayang kwentuhan nabubuo na
Sa buong akala ko totoo na ang saya
Baka sa dulo ay tayo na ngang dalawa.
Ngunit bakit ganun parang may kirot
Na sa aking puso merong pumipisot
Status ng messenger mo aking pinipindot.
Active ka ngunit iba ang kaharot.
Ng sabihin mo na sa akin ng harapan
Maging sa message ay iyong pinaalam
Huwag mag-alala di kaya'y magdaramdam
Hindi ako manggugulo buhay ng may buhay.
Sinundan pa mandin mga katagang yun
Masasanay din ako mawawala din yun
Di ka na mamahalin malalaman mo yun
Pag di na kita pinapansin marahil yun na yun.
Di ako naniwala pagkat may puwang na
Sa aking puso may sayang nadarama
Ngunit may pangambang baka hindi nga
Maaring mali nga aking iniisip at inaakala.
Masarap magmahal ngunit masakit din
Lalo na't di siguradong sya ay seryoso din.
Kahit na minsan naalala kang tanungin
Wala palang tayo na dapat asamin.
🦋🦋
©poysha
P