L

Walang Hanggang Pag-ibig

Walang Hanggang Pag-ibig
Wala man ako sa iyong tabi
Madalas na salat sa yakap at halik
Hindi mo man madinig ang aking tinig
Ikaw at ikaw ang yaman kong higit
Mula sa iyong maliliit na kamay

Tulad ka ng bulaklak sa parang na kay ganda
Na nagbibigay saya sa aking bawat sandali
Ngunit tulad ka rin ng paruparo, malaya
Na abutin ang lahat ng pangarap mong dala

Darating ang araw, ako’y magiging alitaptap
Na unti-unting mawawalan ng ningas at ilaw
Nawa’y saglit lang ang luha mong ibubuhos
Kahit may pighati sa aking paglisan
Ang pag-ibig ko’y laging walang hanggan...🌘✨02102026 ©LanZhan 安娜·梅·德拉·奇纳
안나 메이 델라 차이나...🇨🇳:1005:805:17